Achizen Posted March 22, 2008 Share Posted March 22, 2008 May isang batang na namulat sa napakarangyang buhay at masayang pamilya siya si "pino" na puno ng pag-asa at pangarap na maging doktor balang araw masaya ang pamumuhay noon nila "pino" magagarang sasakyan, madaming damit,magandang bahay at napakadaming niyang kaibigan na mayayaman din hindi siya nakikipagkaibigan sa mga mahihirap na tao lamang ang mga kaibigan niya ay may mga yaman o mga kilalang pamilya..hanggang sa dumating ang araw na unti unting nalugi ang mga negosyo nila "pino" dahil sa kapabayaan niya sa mga pinamahala sa kanya dahil sa bisyo niya sa babae,alak,at hindi ito naging dahilan para ihinto niya ang mga bisyo niya hanggang sa dumating sa punto na atakihin sa puso ang kanyang ama dahil sa galit sa kanya nakaligtas naman ang kanyang ama ngunit na-stroke na ito at ang ulo na lamang ang naigagalaw nito..pero eto padin c "pino" parang walang nangyari tuloy parin enjoy ng enjoy kala mo mauubusan na..nalubog na sila sa utang dahil wala na silang mga negosyo tapos tatay niya na-istroke pa at etong si "pino" puro padin bisyo...nagising nalang si "pino" isang araw na pinapaalis na sila sa kanilang bahay dahil nailit na ito ng banko wala padin pake si "pino" dahil mayayaman naman ang kanyang mga kaibigan na pede nilang hingian ng tulong sa awa nman ng diyos ang mga kaibigan ng tatay niya ay nagmagandang loob at tulungan sila ng sobra sobra binigyan si "pino" ng puhunan para mag negosyo na nung panahon na yon ay may kinababaliwan na dancer sa club na hirap na hirap siya kunin kaya na challenge siya dito kaya ang ginawa ni "pino" binigyan ang babae ng bahay at sasakyan para ipakita ang pagmamahal niya dito na dapat sana ay pang negosyo nila para makaahon sa kahirapan naging masaya naman si "pino" sa naging desisyon niya dahil naging ka live-in niya ang babae na nagustuhan niya ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa magsama ng matagal na walang trabaho parehas dahil ang pera nila unti unting naubos hanggang sa ibenta na nila ang kotse nila at doon naisip nung babae na magtayo sila ng konting negosyo para makaraos nagtayo sila ng maliit na bahay inuman at kumuha sila ng mga babae para mas madameng pumasok na tao sa kanilang bahay inuman nalaman ito ng mga barkada ni "pino" at naging costumer pa niya ang mga ito at nag jam pa sila minsan sa paghithit ng droga at paglaklak ng alak na di nagtagal ay naging arawan na nila kung gawin sa bahay inuman hanggang sa may mag-alok kay "pino" na isang kaibigan na pasukin nila ang linya ng droga dahil napakalaki daw ng kita ng illegal kesa sa legal kaya agad naman nahikayat si "pino" para pasukin ang kakaibang negosyo dumami ang tao sa bahay inuman na halos gabi gabi ay puno at may mga tao pa sa labas na nilagyan na nila ng silya para lahat lang ng tao ay maging pera..lumago ang negosyo ni "pino" dumame ang kanyang mga suki sa bahay inuman na kung tawagin sa kanila ay pwestuhan..dumame ang kakilala ni "pino" at kakompitensya hindi niya lang alam na may dalawang buwan na pala silang minamanmanan ng mga pulis laking gulat lang ni "pino" ng lapitan siya ng isa sa mga pulis at sinabi sa kanya na kung ayaw niya mawala ang mga gawain nila ay bigyan niya ng konting pabor ang mga pulis sa takot ni "pino" ay agad siya pumayag...hanggang sa gipitin na siya ng mga ito na dahilan para wala na siyang kitain at ikalugi niya pa..bumagsak ang negosyo ni "pino" wala nanaman siyang masandalan kundi ang bote ng alak at droga na halos araw araw niya gawin kaya di nagtagal naubos ang mga itinabi nilang pera at ipangutang nlng ang pang laman sa kanilang mga sikmura na ayaw man niya ay napilitan bumalik sa trabaho ang kanyang asawa para lang magkalaman ang kanilang mga sikmura...ilang buwan ang lumipas ng magtrabaho ang kanyang asawa napansin niya na iba ang kinikulos nito lageng may kausap sa telepono kahit walang trabaho umaalis ng bahay at suportado pati pang droga niya...pagkaraan ng isang buwan ay bigla nalang nawala ang kanyang asawa nabalitaan niya na lamang ito sa mga katrabaho nito na sumama na sa negosyanteng intsik..sa sobrang lungkot ni "pino" ay laklak at droga nanaman ang kinausap niya ang pinagkwentuhan ng problema...at ng lumaki na ang utang niya sa mga pusher ay wala siyang maibayad dito kundi ang titolo ng kanyang bahay na hinde nman tinggap dahil ang kelangan nila ay pera..napilitan ibenta ni "pino" ang kanilang bahay masuportahan lang ang bisyong tanging sumbungan..hindi niya na naisip na magnegosyo o magtrabaho pa dahil sa lulong na siya sa droga...hindi nagtagal naubos ang pera niya at wala ng maimpambayad sa renta ng kanyang tinitirahan. at doon naalala niya ang kanyang mga magulang na hindi niya na nakita ilang taon na ang nagdaan nagulat na lamang siya na yumao na pala ang mga ito at ang kaibigan ng kanyang ama na tumutulong sa kanila ay nasa ibang bansa na nanirahan gulat na gulat siya sa nabalitaan niya na dahilan para umagos ang luha sa kanyang mga mata pero di padin ito sapat para itigil niya ang kanyang bisyo..pumasok siya sa mga trabahong delikado pero madali ang kita ang mang hold-up..ginawa niya ito para lang masuportahan ang bisyo..hanggang sa makasaksak siya ng kanyang biktima na dahilan para mahuli siya ng mga pulis..takot na takot siya dahil ang papasukin niyang mundo ay iba sa kanyang minulatan...unang araw niya noon sa kulungan suntok dito suntok dyan,tadyak dito tadyak diyan ang kanyang mga tinanggap.dahil sa kaso niya hinde naging madali ang parusa sa kanya ng mga kapwa preso niya halos araw araw siya gawing punching bag ng mga ito..ang isang araw niya sa kulungan ay parang napakatagal kumpara sa buhay sa labas...lumipas ang ilang taon makakalaya na siya pero may tanong sa isip niya kung saan siya pupunta hinde niya kilala ang kanilang mga kamag-anak,wala na siyang magulang,walang kaibigan,...hanggang sa dumating ang oras na lalaya na siya dala ang kanyang maliit na bag na may laman na dalawang pares ng mga damit at isang sigarilyong pabaon ng nakasama niya sa kulangan agad siyang naghanap ng masisindihan nito ng sigarilyo para makapagisip ng gagawin niya..naglakad siya na hindi alam kung san siya patungo hanggang sa may isang lalakeng binubugbog ng pitong lalake na mga lasing sinubukan niya itong awatin pero di nagpaawat at pati siya ay dinamay sa takot niya makulong ulit ay di na siya lumaban at nagpabugbog na lamang..nagsawa din ang mga lasing tinigilan din sila tumayo agad c "pino" na parang walang nangyari at doon nakilala niya si "Benedict" na tinulungan niya na kasalukuyan palang sakristan sa simbahan at doon ndin naninirahan kaya isinama siya nito at ipapakiusap ito sa pari na patuluyin ito..laking gulat niya ng hindi man lang natakot sa kanya ang sakristan kahit alam na nitong galing siya sa kulungan.. at narating na nga nila ang simbahan at doon pinakilala ni "Benedict" si "Pino" kay father "John" ang pare ng simbahan at tinanggap naman ito si "pino" na isang yakap...agad tumulo ang luha ni "pino" napatingin siya sa langit at napaluhod kasabay ng mga tanong na bakit pa siya tinutulungan siya ay masamang tao at walang patutunguhan ang buhay..at doon naisip ni "pino" na maglingkod sa diyos di naman siya binigo ni father "John" naging sakristan siya at naging tagapaglingkod ng diyos..isang taon ang lumipas may isang babaeng tumawag sa kanya na parang sa tingin niya ay kilala niya pero di niya lang maalala..un pala ang kanyang pinsan na kababata niya na nakatira sa ibang bansa matagal na kinumusta siya nito kung ano ang mga nangyari sa buhay niya hindi nman siya nagsinugaling dito at laking tuwa ng pinsan niya ng makita nyang nagbago na ito kaya inaya nito si "pino" na sumama sa kanya sa ibang bansa na tinanggihan ni "pino" dahil masaya na siya kung ano ang meron siya at kung nasan siya ngayon na ikinasaya naman ng pinsan niya ang ginawa nalang nito ay binigyan siya ng konting pera para makapagsimula ulit ng magandang buhay..di niya binigo ang pinsan niya nag-alaga siya ng mga baboy at manok na napangalagaan niya naman na mabuti. hanggang sa makilala niya ang babaeng kanyang mamahalin na kasalukuyan tindera sa palengke. hindi nagtagal at ikinasal silang dalawa nagkaron ng tatlong anak at di na naghangad ng sobrang kayamanan kundi sapat lang para mabuhay na hindi nagkakasala... GODBLESS ALL ... hope you like it Link to comment Share on other sites More sharing options...
Root Admin smb Posted March 22, 2008 Root Admin Share Posted March 22, 2008 at laking tuwa ng pinsan niya ng makita nyang nagbago na ito kaya inaya nito si "pino" na sumama sa kanya sa ibang bansa na tinanggihan ni "pino" dahil masaya na siya kung ano ang meron siya at kung nasan siya ngayon na ikinasaya naman ng pinsan niya ang ginawa nalang nito ay binigyan siya ng konting pera para makapagsimula ulit ng magandang buhay..di niya binigo ang pinsan niya nag-alaga siya ng mga baboy at manok na napangalagaan niya naman na mabuti. hanggang sa makilala niya ang babaeng kanyang mamahalin na kasalukuyan tindera sa palengke. hindi nagtagal at ikinasal silang dalawa nagkaron ng tatlong anak at di na naghangad ng sobrang kayamanan kundi sapat lang para mabuhay na hindi nagkakasala... GODBLESS ALL ... hope you like it He he! Nice one! Sa wakas... A happy ending! VicRolfe.com Itaas Mo! (Cheers!) Kahit Kailan, Kaibigan!! (Friends Forever!!) smb - Walang Katulad!!! (San Miguel Beer - There is nothing like it!!!) Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Create an account or sign in to comment
You need to be a member in order to leave a comment
Create an account
Sign up for a new account in our community. It's easy!
Register a new accountSign in
Already have an account? Sign in here.
Sign In Now